Energy City itatayo ng PNOC

By Erwin Aguilon December 21, 2016 - 09:40 AM

energy city PNOCTarget ngayon ng pamunuan ng Philippine National Oil Corporation (PNOC) na makapaghanda ng energy reserve para maiwasan ang pagkuha sa labas.

Ayon kay PNOC President at CEO Reuben Lista, itatayo ang energy city sa 21-ektaryang lupa na pag-aari ng ahensya sa mga bayan ng Bauan at Mabini sa Batangas.

Paliwanag ni Lista, itatayo sa loob ng Energy City ang mga power plant para sa liquefied natural gas na mayroong 98 petajoules o katumbas na  trilyong litro.

Maglalagay din dito ng regasification plant, liquefication plant at redistribution upang makatulong sa enerhiya na kailangan ng bansa.

Sinabi ni Lista na ang pagtatayo ng Energy City ay hindi upang kalabanin ang mga power plant na nasa lalawigan ng Batangas kundi ito ay upang magsilbing power reserves ng aabot sa 140 hanggang 200 mega watts.

TAGS: Bauan Batangas, Energy City, Mabini Batangas, pnoc, power reserves, Bauan Batangas, Energy City, Mabini Batangas, pnoc, power reserves

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.