Mas mataas na koleksyon ng buwis, naitala ng BIR ngayong taon kumpara noong 2015

By Ricky Brozas December 21, 2016 - 09:29 AM

bir-bldgBatay sa ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nakasaad na umabot na sa 1.454 trillion pesos ang total tax collection ng ahensya mula Enero hanggang nitong katapusan ng Nobyembre.

Mas mataas na ito ng 127.41 billion pesos o 9.6% kumpara sa koleksyon sa kaparehong panahon noong nakaraang 2015.

Ito umano ay resulta ng mas maayos nang proseso ng BIR para mapadali ang monitoring at koleksyon ng buwis.

Nabatid na nitong nobyembre lamang umakyat ng 157.29 billion pesos ang koleksyon ng BIR. mas mataas ito ng 15.34% o umabot lamang ng 136.37 billion pesos sa kaparehong period noong 2015.

TAGS: 2015, 2016, BIR, koleksyon ng buwis, 2015, 2016, BIR, koleksyon ng buwis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.