Importers na hindi pa nakakapagpa-revalidate ng importation permit, binigyan ng deadline ng D.A.
Binigyan ng deadline ng Department of Agriculture (DA) ang mga importer na hindi pa nakakapag-revalidate ng kanilang mga importation permit.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, hanggang December 31 na lamang ang ibibigay na palugit sa mga importer.
Kapag hindi pa rin nakapagpa-validate sa pagtatapos ng taon ay tuluyan na itong ikakansela.
Tinatayang nasa pitong libong (7,000) importation permit pa umano ang hindi narerevalidate ng DA. Umaabot naman na sa labing dalawang libong (12,000) importation permit na na-revalidate ng ahensya.
Una nang kinansela ng DA ang lahat ng importation permits dahil sa naiulat na katiwalian sa pag-aangkat ng karne at gulay.
Tiniyak din ni Piñol na hindi makakaapekto sa suplay ng karne at gulay sa bansa ang pagkansela ng mga importation permit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.