Christmas lane ng NAIAx, puwede ng daanan simula ngayon
Magagamit na ng mga motorista ang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx) simula ngayong araw.
Pormal nang pinasinayaan kahapon nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Public Works Secretary Mark Villar ang ‘Christmas lane’ na nakalaan para sa mga motoristang tutungo sa NAIA ngayong Kapaskuhan.
Sa pagbubukas ng bahagi ng NAIAx, maaari nang magamit ng mga sasakyan ang bahagi ng Diosdado Macapagal Boulevard hanggang NAIA Terminal 3 hanggang sa Skyway.
Nauna nang binuksan ng DOTr at DPWH ang Phase 2-A na nagkukonekta sa NAIA Terminal 1, 2 at 3 sa bahagi ng Skyway at Cavite Expressway (Cavitex).
Ang NAIAx ay ang 17.9 bilyong pisong public-private partnership project na nakuha ng San Miguel Corp. noong 2013 na naglalayong pabilisin ang daloy ng trapiko para sa mga motoristang tutungo ng NAIA.
Inaasahan naman na pagsapit ng unang quarter ng 2017, matatapos na rin ang koneksyon ng NAIA sa South Luzon Expressway.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.