‘Kinumpiskang’ US drone, isinoli na ng China

By Jay Dones December 21, 2016 - 04:36 AM

 

droneIbinalik na ng China ang underwater drone ng Amerika na tinangay ng isa sa kanilang naval vessel habang naglalayag sa South China Sea noong nakaraang linggo.

Sa kanilang mensahe, inihayag ng defense ministry na matapos ang isang ‘maayos na konsultasyon’ sa pagitan ng kampo ng China at US, isinoli na nila ang naturang drone sa panig ng Amerika kahapon.

Ayon naman sa Pentagon, nailipat sa kustodiya ng mga crew ng guided missle destroyer USS Mustin ang drone malapit sa lugar kung saan ito ‘kinuha’ ng China.

Matapos na maibalik, nanawagan ang Pentagon sa China na tumalima sa ‘international law’ at iwasan nang harangin ang kanilang mga aktibidad sa naturang lugar.

Patuloy na iginigiit ng Amerika na nananatiling umiiral ang freedom of navigation at international law sa South China Sea.

Matatandaang noong nakaraang linggo, ipinrotesta ng Amerika ang ‘pagtangay’ ng China sa isa nilang underwater drone na anila’y isang uri ng ‘unlawful seizure’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.