‘Madam’ ng shabu sa Lucena, arestado

By Kabie Aenlle December 21, 2016 - 04:29 AM

File photo/CDN

Nasukol ng mga pulis ang isang ginang na hinihinalang top drug trafficker sa isang isinagawang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon kahapon.

Ayon sa hepe ng Lucena City police na si Supr. Dennis de Leon, naaresto ang 37-anyos na si Lea Mendoza, na kilala sa kaniyang mga kliyente bilang “Madam,” matapos siyang magbenta ng isang maliit na sachet ng shabu sa isang undercover agents sa Brgy. Ilayang Iyam.

Nakumpiska mula sa suspek ang 22 maliliit na pakete ng shabu na may kabuuang timbang na 90.9 grams, na nagkakahalaga ng P168,000, at P10,000 halaga ng pera.

Base sa ulat ng pulisya, hinihinalang isang major supplier ng iligal na droga si Mendoza sa Lucena City.

Mayroon rin siyang nakabinbin na kaso ng drug trafficking sa Regional Trial Court-Branch 56 sa nasabing lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.