Cesar Montano, nanumpa na bilang bagong Tourism Promotions COO

 

Opisyal nang nanumpa ang aktor na si Cesar Montano kay Tourism Sec. Wanda Teo bilang bagong Tourism Promotions Board Chief Operating Officer (COO).

Natanggap ni Teo ang appointment paper ni Montano sa Department of Tourism (DOT) noon pang December 7.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-appoint sa aktor para sa naturang posisyon.

Bilang COO ng Tourism Promotions Board, magiging tungkulin ni Montano na asikasuhin ang mga domestic at international marketing and promotion ng Pilipinas bilang isang “major global tourism destination.”

Bukod kay Montano, mayroon na ring ibang mga artista na naitalaga sa mga posisyon sa gobyerno tulad nina Aiza Seguerra, Liza Dino at Arnell Ignacio.

Read more...