Lacson, kinuwestyon ang Christmas bonus na dapat ay matatanggap ng PNP top rank officials

By Mariel Cruz December 20, 2016 - 10:38 PM

panfilo lacsonKinuwestyon ni Sen. Ping Lacson kung saan nanggaling ang pondo para sa dapat ay ipamamahaging Christmas bonus sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Ito ay kasunod ng naunang anunsiyo ni PNP Chief Director Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na makakatanggap ng bonus ang mga star rank officials ng pulisya.

Ayon kay Lacson, kung goverment funds ang gagamitin, maaari maging isyu ay kung paano ito ili-liquidate.

Sakali naman aniya na private source, magkakaroon pa rin ito ng isyu…ang pagbabawal na tumanggap ng regalo.

Hindi naman aniya maaaring gamitin ang intelligence funds dahil hindi ito pwedeng gamitin na pondo para sa bonus ng government workers.

Una nang inanunsiyo ni Dela Rosa sa PNP Christmas Party noong Lunes na makakatanggap ang mga high-ranking officials ng cash gift na nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P400,000 mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero binawi din ng PNP Chief ang kanilang pahayag kanina kung saan sinabi nito na wala nang cash bonus na magmumula sa Malacañang.

Sa kabila nito, isang ranking official ng PNP ang umamin na nakatanggap ng bonus na galing umano kay Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.