‘Trapik sa EDSA, hindi mareresolba kung walang pondo’ -Duterte

katipunan-trafficNaniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na wala nang solusyon ang matinding trapiko na nararanasan sa kahabaan ng EDSA.

Ito ay kung hindi bibigyan ng sapat na pondo ng dalawang kapulungan ng Kongreso si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Sa kanyang talumpati sa outstanding governtment workers sa Malacañang, sinabi ng pangulo na sa ngayon ay maghihintay na lamang ang pamahalaan sa anim na bilyong pisong ayuda mula sa China.

Ayon pa sa pangulo, magiging available ang naturang pondo sa susunod na taon.

Gagamitin aniya ang pondo sa pagpapatayo ng mga imprastrakturang may kinalaman sa transportasyon.

Read more...