VAT exemptions ng PWDs, mapapakinabangan na bago mag-Pasko

By Isa Avendaño-Umali December 20, 2016 - 04:02 PM

pwd
FILE PHOTO

Sa December 23, 2016 o dalawang araw bago ang Pasko ay mapapakinabangan na ng persons with disabilities o PWDs ang kanilang exemption sa pagbabayad ng value added tax o VAT sa ilang serbisyo at mga bilihin.

Kinumpirma ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na nailathala na sa mga pahayagan ang implementing rules and regulations o IRR ng Republic Act 10754 na nagbibigay ng VAT exemption sa PWDs.

Ang naturang batas ay nag-amiyenda sa Magna Carta for Disabled Persons.

Sa ilalim ng bagong batas, exempted sa VAT ang PWDs sa mga restaurant at recreation centers tulad ng mga sinehan, concert halls at inns.

May VAT exemption din sa pagbili ng gamot at pagkain, medical at dental services kasama ang laboratory fees at professional fee ng mga doktor.

At kahit ang pamasahe sa domestic air, sea at land transportation; maging ang serbisyo sa punerarya at paglilibing ay sakop ng VAT exemption.

Sinabi ni Taguiwalo na ang lahat ng establisimyento ay kailangan na maglagay ng mga signage kung saan nakasaad ang mga impormasyon ukol sa naturang pribilehiyong para sa PWDs.

Nilinaw naman ni Taguiwalo na bawal sa batas ang double discounts, ibig sabihin, sakaling ang entitled dito ay isang nakatatandang PWD, kailangang mamimili kung alin sa kanyang senior citizen ID o PWD ID ang gagamitin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.