Solomon, Islands niyanig ng magnitude 6.7 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2016 - 01:06 PM
Tumama ang malakas na magnitude 6.7 na lindol sa Solomon, Islands.
Naganap ang pagyanig alas 12:22 ng tanghali oras sa Pilipinas.
May lalim itong 44 kilometers.
Sa abiso naman ng Phivolcs, walang banta ng tsunami sa Pilipinas bunsod ng nasabing lindol.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na ang ganito kalakas na lindol ay maaring makapagdulot ng local tsunamis sa loob ng 100 kilometers mula sa epicenter nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.