Bagaman mahina, patuloy naman ang nararanasang pag-ulan sa bahagi ng Angat, Bulacan.
Dahil dito, nagpakawala na ng tubig ang Angat dam, upang maawat ang patuloy na pagtaas ng antas ng tubig.
Auon sa National Power Corporation (Napocor) nagbukas sila ng gate kaninang alas 8:00 ng umaga at aabot sa 68 cubic meter per seconds ang inilalabas nitong tubig.
Umabot na kasi sa 213.90 meters above sea level ang antas ng tubig sa Angat dam, gayong ang normal high water level nito ay 212 meters lamang.
Bago ang pagpapakawala ng tubig, inabisuhan na ng Napocor ang mga residente sa mga bayan na maaring maapektuhan.
Tiniyak naman ni Napocor Flood Operation Manger Teresa Serra na hindi magdudulot ng pagbaha ang pagpapakawala ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.