12 na ang patay sa pag-araro ng truck sa Christmas market sa Berlin

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2016 - 10:55 AM

FB Photo | Ariel Zurawski
FB Photo | Ariel Zurawski

Umakyat na sa labingdalawa ang bilang ng nasawi sa pag-araro ng isang tractor trailer sa mataong Christmas market sa Berlin.

Ayon sa mga pulis, 48 katao ang nananatili pa sa pagamutan at ilan sa kanila ay seryoso ang kondisyon.

Iniimbestigahan na ang insidente na itinuturing na “act of terrorism”, habang ang driver ng truck ay nadakip naman matapos ang insidente.

Ayon kay Ariel Zurawski, ang may-ari ng truck, maaring na-hijack ang kanilang sasakyan.

Aniya, ang pinsan niya ang regular na driver ng nasabing truck pero nang mangyari ang insidente ay hindi ito ang nasa manibela.

 

TAGS: berlin, Christmas Market, berlin, Christmas Market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.