Simula mamayang hatinggabi itataas na ng Department of Health (DOH) ang code white alert sa lahat ng ospital ng pamahalaan bilang paghahanda sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon.
Hudyat na din ito ng pagsisimula ng pagbibilang ng DOH sa mga mabibiktima ng paputok o ang mga firecracker related injuries.
Sa ilalim ng code white alert ng DOH, hindi na papayagang magleave ang mga empleyado ng mga DOH hospitals.
Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, ang mga critical areas sa mga pagamutan ay dapat fully-manned at handang tumugon anumang oras sa mga darating na pasyente.
Kanina, binisita ni Ubial ang Las Piñas General Hospital and Trauma Center upang tignan ang kahandaan ng pagamutan.
Sa mga susunod na araw ay isa-isang bibistahin ng DOH ang mga government hospitals, upang suriin ang kanilang preparasyon sa pagtugon sa mga masusugatan sa paputok.
Kahit wala pa ang executive order hinggil sa firecracker ban, sinabi ni Ubial na isinusulong pa rin ng DOH ang community fireworks display.
Ito ay para maiwasan aniya ang dami ng mga nasusugatan ng dahil sa pagpapaputok tuwing sinasalubong ang Bagong Taon.
WATCH: DOH Sec. @Dok_Pau, nasa Las Pinas General Hospital and Trauma Center | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/lMTbartfj9
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 20, 2016
Ang mga kagamitan para sa mga masusugatan ng dahil sa paputok | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/Vk7sSY3Qbz
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) December 20, 2016