Pagpatay sa Russian Ambassador sa Turkey, nakuhanan ng isang photographer
Malinaw na nakuhanan ng larawan ng isang photographer ng Associated Press ang suspek habang isinasagawa nito ang pamamaril kay Russian Ambassador to Turkey Andrei Karlov.
Nangyari kasi ang pamamaril sa loob ng isang photo exhibit sa kung saan maraming tao at may mga journalist na kumukuha ng larawan.
Sa mga larawang kuha ni Burhan Ozbilici ng AP, makikita ang suspek na si Mevlut Mert Altintas na nakasuot ng dark suit at necktie at hawak ang baril na itinutok niya kay Karlov.
Kwento ni Ozbilici, nang makita niya ang suspek, ang unang pumasok sa kaniyang isip ay kailangan niyang gawin ang trabaho at kuhanan ito ng larawan.
Maari naman umano siyang tumakbo palabas dahil baka siya ay madamay o matamaan ng bala, pero bilang isang photographer, kinakailangan umano niyang kunan ang pangyayari.
Walong putok ng baril ang nadinig sa loob ng gallery na naging dahilan para matakot ang mga nasa exhibit.
Ayon sa iba pang testigo sa lugar, nadinig nila ang suspek na “Don’t forget Aleppo! Don’t forget Syria!” at “Allahu akbar!”.
Matapos ang insidente ay napatay din ng mga otoridad ang nasabing suspek.
Sa isinagawang imbestigasyon, ang 22-anyos na suspek ay ay isang pulis mula sa malayong rehiyon sa west ng Turkey na nanilbihan bilang anti-riot police ng halos tatlong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.