Santa Monica, Surigao Del Norte, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo December 20, 2016 - 06:26 AM

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Santa Monica sa Surigao del Norte.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 14 kilometers North ng bayan ng Burgos kaninang alas 4:44 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs ang lindol ay may lalim na 48 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na Intensities bunsod ng nasabing pagyanig:

Intensity IV:
Surigao City
Mayorga, Leyte
at San Juan, Southern Leyte

Intensity III:
Cagayan De Oro City
Butuan City
at Palo, Leyte

Habang gamit ang Instrumental Intensities naitala din ng Phivolcs ang Intensity II sa Cebu City.

Unang iniulat ng Phivolcs ang magnitude 5.2 na lindol sa bayan ng Burgos, Surigao del Norte, pero sa updated information na inilabas nito, itinaas sa magnitude 5.3 ang lindol at sinabing sa bayan ng Santa Monica ito naitala.

Bagaman hindi inaasahang magdudulot ito ng pinsala, sinabi ng Phivolcs na maaring makaranas ng aftershocks bunsod ng nasabing lindol.

 

TAGS: earthquake, Magnitude 5.3, Philippine breaking news, surigao del norte, earthquake, Magnitude 5.3, Philippine breaking news, surigao del norte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.