Mga tulad niyang ampon, gustong proteksyunan ni Sen. Grace Poe

August 09, 2015 - 04:37 PM

Mula sa bandera.inquirer.net

Isinusulong ni Senador Grace Poe na mabigyan ng wastong proteksyon ang mga katulad niyang foundling o ampon.

Sa Senate Bill 2892 o An Act Strengthening the System of Birth Registration of Children in Need of Special Protection in the Philippines, o CNSP mas pinadadali ang pagkilala sa mga tinatawag na “foundling” sa mas simpleng proseso ng pagpaparehistro sa mga ito.

Sa kasalukuyang sistema kasi, bagaman kabilang sa CNSP ang mga inabandonang bata, ibang proseso pa ang kailangang pagdaanan ng nag-ampon sa mga ito bago maiparehistro sa kanilang pangalan o bago maampon upang mas mapadali ang proseso, ipinapanukalang iparehistro ng mga nakapulot ang batang nasa kanila nang pangangalaga sa loob ng 60 araw.

Sa ilalim ng nabanggit na panukala, responsibilidad din ng nakapulot sa isang abandonadong bata na i-turn over ito alin man sa barangay, sa pulisya, sa isang child-care foundation, o sa Department of Social Welfare and Development 48 oras matapos na mapasakamay niya.

Pero kung wala naman umanong ibang aangkin, puwede na muling kunin ng nakapulot ang bata buhat sa mga awtoridad na pinag-abutan o pinag-iwanan ng bata.

Inaatasan din sa ilalim ng panukala ang DSWD na magsumiteng listahan buwan-buwan tungkol sa mga napulot na bata o iba pang CNSP.

Matatandaang inuungkat ng ilang partido ang pagiging ampon ng senadora at kinukuwestyon ang karapatan nitong tumakbo sa Pampanguluhang eleksyon sa susunod na taon./ Chona Yu

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.