Iba’t ibang krimen bumaba, pero murder tumataas-PNP report

By Jay Dones December 20, 2016 - 04:38 AM

 

dead makati jeepBumababa sa kabuuan ang bilang ng krimen sa bansa.

Gayunman, sa kabila nito, lumolobo naman ang mga kaso ng murder o pagpatay.

Ayon sa statement ng Presidential Communications Office o PCO, mula sa 81,064 na naitalang index crime rate sa pagitan ng July hanggang November noong nakaraang taon, bumaba na ito sa 55,391 sa kaparehong panahon ngayong taon.

Giit ni Sec. Martin Andanar, ipinapakita lamang ng naturang datos na mas ligtas na ngayon ang Pilipinas.

Gayunman, sa naturang datos pa rin, makikita ang paglobo ng kaso ng pagpatay na isa ring uri ng krimen.

Sa pagitan ng July hanggang November 2016, umabot na sa 5,970 ang mga kaso ng murder sa bansa.

Ito’y mas mataas na ng 51.14 percent kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong 2015.

Ang index crime rates ay ang mga krimen tulad ng murder, homicide, physical injury at iba’t-ibang mga kaso ng pagnanakaw, tulad ng robbery, theft at carnapping.

Gayunman, ayon sa Reuters, kahit noon pang panahon ni Pangulong Benigno Aquino III, bumababa na ang mga kaso ng index crime sa bansa.

Mula noong January hanggang August 2015, bumaba na ng 22 porsiyento ang krimen sa bansa.

Mababa rin ang bilang ng mga napapatay noong nakalipas na Aquino administration kumpara sa mga nangyayari ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.