Mga pasahero, dagsa sa mga pantalan habang papalapit ang Pasko

By Jong Manlapaz December 20, 2016 - 04:26 AM

 

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Habang papalapit na ang pasko, dagsag na ang mga mga pasahero sa ibat ibang pantalan sa bansa.

Sa pagtataya ng Philippine Coast Guard, simula kagabi, umabot na sa 75,652 ang outbound passengers habang lomobo naman sa 70,298 ang inbound passengers sa mga pantalan sa Maynila at sa probinsya.

Nagpapatuloy naman ang paghihigpit ng seguridad sa mga pantalan sa buong bansa.

Samantala, tiniyak naman ng Philippine Ports Authority o PPA na nananatiling maayos ang operasyon ng mga pantalan sa Maynila sa kabila ng pagdagsa ng mga cargo ngayong panahon ng pasko.

Sa katunayan umano, umaabot sa 60 porsyento ang nagagamit na pwesto sa dalawang pinakamalaking pantalan kabilang sa Manila International Container Terminal at ang Manila South Harbor.

Ito ay dahil umano sa umiiral na Truck Appointment and Booking System, dito binibiyan ng oras ang mga trucking company para mailabas at maipasok ang mga cargo sa mga pantalan.

Ayon pa sa PPA, pananatilihin na ang ganitong pamamalakad sa mga susunod na araw,dahil inaasahan na walang tigil ang pagdating at paglabas ng mga cargo kahit pa sa araw ng pasko at bagong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.