49 patay sa pag-inom ng ‘lotion’ sa Russia

By Jay Dones December 20, 2016 - 04:20 AM

 

bath lotionHindi bababa sa 49 katao na ang namatay sa pag-inom ng ‘bath lotion’ na naglalaman ng methanol sa Russia.

Dahil sa dami ng nasawi, idineklara na ang state of emergency sa bayan ng Irkutsk, Siberia at hinahalughog na rin ng mga otoridad ang mga bahay sa pangambang marami pang biktima ng nasabing trahedya.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumitaw na naglalaman ng nakalalasong methanol at antifreeze ang mga naturang produkto.

Sa Russia, maraming mga residente ang bumibili at napipilitang uminom ng mga murang lotion at iba pang mga produkto na naglalaman ng alcohol bilang kapalit sa tunay na alak na mahal ang presyo.

Kasabay ng mga kaso ng pagkalason, sinalakay ng mga otoridad ang isang underground facility na gumagawa ng pekeng lotion at nadiskubre ang nasa 500 litro ng pekeng produkto.

Nasa 100 mga tindahan rin ang pinasok ng mga otoridad at kinumpiska ang mga pekeng bath lotion.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.