P90-M halaga ng cocaine, natagpuan sa dagat sa Albay

 

Hindi bababa sa 18 bricks ng cocaine ang natagpuan ng mga mangingisda na palutang-lutang sa karagatan sa bayan ng Tiwi sa Albay.

Ayon kay Albay police ingormation officer Chief Insp. Arthur Gomez, nakuha ng mga mangingisdang sina Manuel Comota at Razel Bragais ang mga nasabing bricks na nababalot ng fishnet, sa dagat sa Brgy. Sugod sa Tiwi, umaga ng Linggo.

Ani pa Gomez, naka-selyo ng packaging tape ang mga bricks na nakabalot pa ng rubber bag at plastic na pawang nilulumot na.

Tinatayang nasa P5 milyon ang halaga ng bawat brick ng cocaine na dinala ng mga mangingisda sa mga otoridad.

Ayon pa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa P90 milyon ang kabuuang halaga ng mga natagpuang cocaine.

Pakiwari naman ni Gomez ay bahagi ito ng 1,599 kilong iligal na droga na itinapon sa karagatan ng mga Chinese drug suspects sa Samar noon pang 2009.

Read more...