Dela Rosa: Lord sorry, pero magpapatuloy ang mga pagpatay sa mga sangkot sa illegal drugs

By Jay Dones December 20, 2016 - 04:34 AM

 

dela rosaHumihingi ng kapatawaran sa Diyos si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa mga kaso ng pagpatay na nagaganap sa ngayon sa mga lansangan ng Metro Manila at maging sa maraming bahagi ng bansa.

Sa kanyang mensahe sa Christmas party ng mga pulis sa Kampo Crame, sinabi ni Dela Rosa na magpapatuloy ang pagdami ng bilang ng mga nasasawi sa ilalim ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan kontra droga sa ilalim ng Duterte administration.

Hiling ni Dela Rosa, ipagdasal ng publiko ang mga pulis at hilingin dito na patawarin ang mga pulis dahil sa mga napapatay sa kanilang giyera kontra droga.

Aminado rin si Dela Rosa na maraming mga grupo ang sumakay sa kanilang kampanya at naglunsad ng kani-kanilang mga vigilante style na pagpatay.

“Hindi namin inaamin na sa amin ‘yun. Trabaho namin ‘yun but because namamatay sila as a consequence sa aming war on drugs, either sinakyan, sumabay sa aming drug war, but still buhay pa rin ‘yun, namatay pa rin ‘yun,” dagdag ni Dela Rosa.

Nagpaliwanag pa ang PNP Chief na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi rin pabor na may namamatay sa mga lansangan ngunit dahil mahal nito ang mga Pilipino, kinailangang pumatay ng mga sangkot sa droga upang masagip ang mga inosenteng buhay.

Sa kabila ng kanyang paghingi ng kapatawaran, nangako si Dela Rosa na magpapatuloy ang mga insidente ng patayan at hindi nila ititigil ang kampanya kontra droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.