Lalakeng nakikipaglamay, pinatay ng mga naka-bonnet na suspek sa Mandaluyong

By Alvin Barcelona December 20, 2016 - 04:30 AM

 

gun1Dead on the spot ang isang lalake matapos na pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Richard Reyes, 35 taong gulang na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Base sa inisyal na report mula sa Mandaluyong City police, kasama ng kanyang live-in partner at binatilyo nitong anak sa burol ng isang kamag-anak sa Neptali Gonzales St., Brgy. Harapin ang Bukas nang dumating ang apat na armadong suspek na naka-bonet.

Agad na pinaputukan ng mga salarin ang biktima hanggang sa mapatay.
Nasugatan naman sa paa ang anak nitong lalake na agad dinala sa ospital.

Matapos na ratratin ang biktima, agad na tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Brgy. Hagdang Bato Libis.

Limang basyo ng bala ang narekober mula sa lugar ng krimen.

Ang biktima ay sinasabing dating nasa drug watchlist ng barangay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.