Mga Pinoy na naapektuhan ng bagyong Soudelor sa Taiwan, tutulungan ng Gobyerno ng Pilipinas
Tiniyak ng Malakanyang na aayudahan ang mga Pilipino sa Taiwan na apektado ng Typhoon Soudelor.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., patuloy na nagmomonitor ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, sa sitwasyon ng mga Pilipinong naninirahan o nagta-trabaho sa Taiwan.
Batay aniya sa mga ulat, sinabi ni Coloma na walang casualties sa hanay ng mga Pilipino roon.
Sa kabila nito, tuloy-tuloy ang pagsubaybay sa mga Pinoy sa Taiwan at handa na rin ang na maghatid ng tulong ang pamahalaan.
Sa huling tala ng Taiwanese government, nasa anim na katao na ang kumpirmadong nasawi habang apat pa ang nawawala dahil sa bagyong Soudelor./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.