Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya sa dalawampung mga political prisoners.
Ito ang kinumpirma ni chief government negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ginawa ito ng pangulo bago pa man ang pagdiriwang ng ika-48th anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.
Ang desisyon ni Duterte ay kasunod ng nauna nitong anunsiyo na ibinasura ang hiling ng National Democratic Front of the Philippines na palayain na ang aabot sa 130 na nakadetineng communist leaders.
Sa panayam, sinabi ni Bello na pipirmahan na ni Pangulong Duterte ang utos na pagpapalaya sa mga political detainee bago ang araw ng Pasko.
Kabilang aniya sa mga papalayain ay mga matatanda at may sakit na bilanggo.
Dagdag ni Bello, pumayag din ang pangulo na bigyan ng pardon ang ilan pang political detainees habang ang iba pa ay palalayain sa pamamagitan ng “bail recognizance”