Mga top PNP officials may Christmas bonus kay Duterte

By Den Macaranas December 19, 2016 - 07:42 PM

Duterte-batoIpinagmalaki ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na aabot sa P100,000 hanggang P400,000 ang matatanggap na bonus ng mga opisyal ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Dela Rosa na depende ito sa performance ng mga opisyal.

Mula sa mga posisyon bilang Provincial Director hanggang sa pinakamataas na pwesto sa National Headquaters ang makakakuha ng bonus na umano’y magmumula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban sa mga regular at itinatakda na bonus ng PNP law, hindi sakop ng bonus mula sa pangulo ang mga Non-Uniformed Personnel (NUP) at mga Junior Officers hanggang sa ranggong PO1.

Tumanggi naman si Dela Rosa na sabihin kung saan kukunin ang pondo para sa kanilang bonus pero kanyang tiniyak na hindi ito magmumula sa mga sindikato ng droga sa bansa.

Samantala, kahit na sa panahon ng Kapaskuhan ay magpapatuloy pa rin ang mga anti-drug campaign ng PNP ayon pa kay Dela Rosa.

TAGS: Bonus, dela rosa, duterte, PNP, Bonus, dela rosa, duterte, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.