Mayor, dating mayor at dating kongresista, pinangalanan ni Duterte na sangkot sa droga

By Chona Yu December 19, 2016 - 07:14 PM

Duterte drugs
Inquirer file photo

Tatlo pang lokal na opisyal ng pamahalaan ang pinangalanan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa ilegal na droga.

Sa kanyang talumpati sa 2016 Presidential award for Filipino individuals and organization overseas, ibinunyag ng pangulo ang mga pangalan at ito ay sina Lugait Misamis Oriental Mayor Wellie Lim, dating Mayor Lawrence Cruz ng Iligan at dating Iligan Congressman na si Vicente Belmonte.

Binasa ng pangulo ang pangalan ng tatlo mula sa hawak-hawak na listahan ng mga narco politicians.

Aminado si Duterte na gabi-gabi siyang umiiyak dahil sa lawak ng problema sa ilegal na droga sa bansa. Dismayado rin aniya siya sa paggawad ng isang organisasyon sa Washington DC kay Senador Leila De Lima gayung ito ang pinakamataas na opisyal sa Pilipinas na sangkot sa ilegal na droga.

TAGS: belmonte, cruz, drugs, druterte, ILIgan, lim, narco list, belmonte, cruz, drugs, druterte, ILIgan, lim, narco list

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.