Mga oil companies magpapatupad ng bagong price increase

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Epektibo alas-sais ng umaga bukas ay magpapatupad ng dagdag singil ang ilang kumpanya ng langis para sa kanilang mga produktong petrolyo.

Base sa kanilang anunsyo, Kinumpirma ng Phoenix, Flying V, Shell, Jetti at Petron ang kanilang ipatutupad na price increase.

Aabot sa P0.40 centavos ang dagdag sa kanilang presyo ng gasolina, sa diesel ay P0.70 centavos samantalang P0.65 centavos naman sa kerosene o gaas.

May kaugnayan umano sa pag-galaw ng presyo ng world market ang panibagong oil price increase sa bansa.

Noong isang linggo ay nagpatupad rin ng bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng langis kung saan ay umabot sa P1.40 ang naidagdag sa kada litro ng gasolina.

Inaasahan naman na susunod rin sa pagdaragdag ng presyo ang ilan pang kumpanya ng petrolyo.

Read more...