Duterte pinayuhan na mag-ingat sa pagbasura sa VFA
Pinayuhan ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon si Pangulong Rodrigo Duterte na konsultahin muna ang kanyang national security advisers kaugnay sa banta nitong ipawalang bisa ang Visiting Forces Agreement o VFA.
Ito’y matapos mairita ang pangulo nang hindi aprubahan ng Millennium Challenge Corporation o MCC ang aid sa Pilipinas.
Babala ni Biazon, Vice Chairman ng House Defense Committee, malaki ang magiging implikasyon sakaling ituloy ni Duterte ang banta nito.
Isa aniya sa malalagay sa alanganin ay ang momentum ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines dahil hindi lamang kagamitan ang pinag-uusapan dito kundi maging ang doktrina at training.
Dagdag ng kongresista na posibleng madehado ang interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea dahil mahirap nang baguhin ang sitwasyon kapag tuluyang binuksan ang bakuran sa China.
Paalala pa ni Biazon, anim na taon lamang manunungkulan si Duterte kaya dapat pag-isipang mabuti ang mga gagawing hakbang na may kinalaman sa foreign policy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.