Malampaya Natural Gas Facility, isasailalim sa 25-araw ng maintenance shutdown
Isasailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya Natural Gas Facilty sa loob ng 25-araw simula sa susunod na buwan ng Enero.
Ayon sa Department of Energy (DOE) tatagal ang maintenance shutdown ng nasabing pasilidad mula January 28 hanggang February 16, 2017.
Dahil dito, inaasahang maaapektuhan ang suplay ng kuryente kasama na ang suplay sa Metro Manila.
Ayon sa Manila Electric Company o Meralco, nasa 700 megawatts na supplay ang mawawala dahil sa nasabing shutdown.
Para hindi kapusin, kukuha ng suplay ang Meralco sa spot market sa panahong naka-shutdown ang pasilidad.
Pinaghahandaan naman na ng DOE at Meralco ang magaganap na maintenance upang hindi ito magresulta ng pagtaas ng presyo ng kuryente.
Kaugnay nito ay inatasan ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang mga maaapektuhang stakeholders na magsumite ng kanilang plano upang matugunan ang shutdown.
BInigyan lamang ni Cusi ng hanggang December 23 ang mga ito para magsumite ng plano.
Pinatitiyak ni Cusi na magiging sapat ang suplay ng kuryente at hindi masasakripisyo ang proteksyon ng consumers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.