Department Order sa mahigpit na pagpapatupad ng batas kontra contractualization, ilalabas ng DOLE
Inaasahang ilalabas ni Department of Labor and Employmenr (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa December 28 ang Department Order 30 na maghihigpit sa implementasyon ng batas sa kontratwalisasyon sa bansa.
Pinangalanan ng kagawaran ang kautusang ito bilang “DO 30” bilang pagkilala kay Pangulong Rodrigo Duterte na hayag ang pagkontra sa contractualization.
Ipinanukala ni Labor Secretary Joel Maglunsod ang pangalang ito.
Hahalili ang DO 30 sa DO 18-A o ang mga sa pagpapatupad ng Articles 106-109 ng Labor Code.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, ilang probisyon ng DO 18-A ay sobra sa kung ano ang pinapayagan ng batas.
Isa na rito ang pag-regulate ng kontraktwalisasyon na hindi alinsunod sa mga probisyon ng Labor Code.
Sinabi ni Say na ang DO 30 ay mas pinabuting DO 18-A.
Sa ilalim ng umiiral na labor code, maari lamang magkaroon ng contractual arrangements ang mga kumpanya para sa mga posisyon na seasonal o project-basis at kung ang empleyado ay hindi bahagi ng core function ng operasyon ng kumpanya./ Rohanisa Abbas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.