Walang banta ng terorismo ngayong Pasko, pero publiko pinag-iingat ng NCRPO sa pagpunta sa mall at simbahan
Walang namomonitor na banta ng terorismo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila ngayong ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang pagsapit ng Pasko.
Ayon kay NCRPO Chief, Director General Oscar Albayalde, bagaman walang banta, nananatili pa rin na nasa full alert status ang mga pulis sa Metro Manila.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.
Ani Albayalde, kinansela na nila ang Christmas at New Year’s break ng lahat ng pwersa ng NCRPO.
Patuloy naman ang paalala ni Albayalde sa publiko na maging maingat at mapagmatyag pa rin sa tuwing magtutungo sa matataong lugar gaya ng mga mall at simbahan.
Sakaling may kahina-hinalang bagay o indbidwal na makikita, agad itawag sa “Bato hotline” na 2286 o kaya ay sa 911.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.