Walang kailangang bayaran sa pag-claim ng driver’s license ayon sa LTO
Nilinaw ng Land Transportation Office o LTO na walang babayaran ni-isang sentimo ang mga magke-claim ng kanilang plastic driver’s license card simula ngayong araw na ito.
Iyan ang sinabi ni LTO Chief Edgar Galvante sa pag-uumpisa ng pamamahagi ng plastic driver’s license card.
Kailangan lamang aniya na iprisinta ng claimant ang official receipt kung kailan sila nag-apply ng driver’s license.
Nagbabala rin ang LTO sa publiko na huwag makipagtransaksiyon sa mga fixer para maiwasan na mabiktima ng mga ito.
Tiniyak din ni Galvante na hindi magiging mabagal ang pamamahagi ng driver’s license dahil computerized na ang kanilang sistema.
Una nang sinabi ng LTO na mula ngayong araw, ire-release nila ang 700,000 na mga driver’s license sa 36 na licensing office sa buong Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.