Mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan nagsimula nang dumagsa sa mga pantalan

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2016 - 07:38 AM

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Libu-libong mga pasahero na ang nagsimulang dumagsa sa mga pantalan sa bansa para umuwi sa mga lalawigan.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, kaninang alas dose ng hatinggabi, umabot na sa 38,347 ang na-monitor nilang bilang ng mga pasahero sa lahat ng pantalan sa bansa.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay dadami pa ang mga bibiyahe pauwi sa mga lalawigan para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa mga bus terminal naman sa Metro Manila, halos lahat ng mga biyahe pauwi ng lalawigan ay fully booked na.

Sa Biyernes, December 23, inaasahan ang malaking bilang ng mga bibiyaheng pasahero at mga motorista.

TAGS: Christmas, New Year, Passengers, Christmas, New Year, Passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.