US makikipag-tulungan pa rin kay Duterte

 

Tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Estados Unidos kay Pangulong Rodrigo Duterte upang ayusin ang anumang usapin sa pagitan ng dalawang bansa.

Ito ang inihayag ng Amerika matapos magbanta si Pangulong Duterte na kakanselahin na ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil sa pagkakabinbin 433-milyong dolyar na development assistance na nakalaan sana para sa mga proyektong pangmahirap.

Sa statement mula sa US embassy, inihayag nito na handa silang makipag-usap sa gobyerno ng Pilipinas hinggil sa isyu.

Gayunman, hindi na ito nagbigay ng karagdagang detalye ukol sa paraan kung paano tatalakayin ang usapin.

Matatandaang ipinagpaliban ng Millennium Challenge Corp, ang renewal ng grant sa Pilipinas dahil sa ‘human rights situation’ sa bansa.

Ikinagalit naman ito ng Pangulo na nagsabing kayang-kaya ng Pilipinas na mabuhay kahit wala ang anumang ayuda mula sa Amerika.

Nagbanta rin ito na wawasakan na ang VFA dahil dito.

Read more...