Suicide bombing sa Yemen, inako ng IS

By Kabie Aenlle December 19, 2016 - 04:24 AM

 

yemen bombingInako ng Islamic State group na sila ang may pakana ng suicide bombing sa Aden City sa Yemen, na ikinasawi ng hindi bababa sa 49 na mga sundalo, at ikinasugat ng nasa 60 na iba pa.

Ayon sa mga opisyal, magkakasama ang mga sundalo sa may al-Sawlaban military base sa Khor Maksar district ng Aden para kumuha ng kanialang sahod.

Noong nakaraang linggo ay mayroon ding isa pang insidente ng suicide bombing ang naganap sa naturang lugar kung saan pinasabog ng isang miyembro ng Islamic State group ang kaniyang sarili, na ikinasawi rin ng 50 sundalo.

Sa isang pahayag na ipinost ng Islamic State sa kanilang Amaq news agency, tinukoy ng grupo ang kanilang miyembro na si Abu Hashem al-Radfani na nag-detonate ng kaniyang explosive belt sa gitna ng kumpulan ng mga sundalo.

Ipinakita pa nila sa post ang mga litrato ng pag-atake, kabilang na ang isang litrato kung saan makikita ang lalaking nakasuot ng puting vest habang nakatayo sa tabi ng isang bandera ng Islamic State.

Ayon sa jihadist group, pumalo sa 70 ang nasawi sa kanilang pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.