Pahayag ni Pres. Duterte ukol sa VFA, isang ‘warning’ lamang

By Isa Avendaño-Umali December 19, 2016 - 04:34 AM

 

edca (1)Nilinaw ng Malakanyang na isang babala lamang ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ibasura ang Visiting Forces Agreement o VFA.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Ana Marie Banaag, mas mainam na hintayin na lamang ang susunod na hakbang ng pangulo at kung ano ang sasabihin ng mga adviser nito.

Dagdag ni Banaag, hihintayin din ng Palasyo ang latest development sa mga susunod na raw matapos i-defer ng Millenium Challenge Corporation ang botohan sa renewal ng 400 million dollar development assistance package para sa Pilipinas.

Sa arrival speech ni Duterte mula sa Singapore, sinabi nito na maghanda na raw ang U.S. sa revocation ng VFA sabay sabing ‘Bye-bye Amerika.’

Ani Duterte, kayang-kaya ng Pilipinas nang walang ‘American money’ dahil nariyan naman daw ang China para magkaloob na tulong.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.