Duterte, aaraw-arawin ang bitay

By Isa Avendaño-Umali December 18, 2016 - 09:24 PM

 

death penaltyNagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aaraw-arawin niya ang pagpataw ng death penalty, sa oras na makalusot na ito sa Kongreso at muling maibalik sa Pilipinas.

Ayon kay Duterte, lima hanggang anim ang ipasasalang niya sa parusang kamatayan kada araw.

Babala naman ni Duterte, kung ayaw ibalik ang death penalty, ibang hirit o hakbang na lamang daw ang kanyang ilulunsad.

Gayunman, hindi ito idinetalye ng punong ehekutibo na mula’t sapul ay ikinakampanya ang pagbuhay sa death penalty lalo na laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Bago mapwesto sa Malakanyang, sinabi ni Duterte na nais niyang mapatawan ng bitay ang mga kriminal sa pamamagitan ng hanging o pagbigti.

Sa susunod na taon, inaasahang aarangkada ang debate ukol sa death penalty bill sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.