Demolisyon sa Larangay Market, nauwi sa tensyon
Nauwi na naman sa tensyon ang clearing operations at demolisyon sa Larangay Market sa Caloocan City kaninang umaga.
Maaga pa lamang ay sumugod na ang demolition team sa palengke upang tanggalin ang mga barikada ng mga vendor.
Pero hindi nagpatinag ang mga vendor sa mga tauhan ng demolition team.
Kanya-kanya silang hagis ang mga vendor ng mga inihandang tubig at iba pang uri ng likido na nasa plastik upang maitaboy ang nagdedemolisyon.
Kahapon, nauna nang nagka-tensyon sa Larangay Market.
Ayon sa mga vendor, hindi sila kontra sa balak na pagtatayo ng bagong palengke, ngunit marami umano sa kanila ang nangangamba na mawalan ng pwesto.
Wala rin daw naganap na konsultasyon sa pagitan ng mga vendor at lokal na pamahalaan kaugnay sa demolisyon at pagtaas ng renta.
Mayroon din umanong maling gawain sa palengke na dapat resolbahin ng lokal na pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.