Ayon kay Healh Secretary Pauline Rosell-Ubial, tumaas na ang pondo para sa serbisyong-medikal upang masakop ang hospital needs ng mga mahihirap na Pilipino.
Sinabi ni Ubial na basta Pilipino ay sakop na ng Philhealth, at ang kailangan lamang ay makumpirma na mahirap ito para mapasok sa sponsored program ng ahensya.
Sa ilalim naman ng Medicines Access Program, bibili ang DOH ng mga gamot na pangkariwang kailangan ng mga tao at ang mga ito ay ibibigay sa mga ospistal para sa pamamahagi.
Ani Ubial, ang subsidiya para sa mga naturang serbisyo ay magmumula sa karagdagang-pondo na ni-request ng DOH sa Kongreso.
Huwag naman mag-alala ang mga mahihirap na non-Philhealth members dahil mayroong 5 billion pesos na laan para rito, base kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay nito, tiniyak ni Ubial na hindi makakaapekto sa program ang pag-atras ng foreign assitance mula sa isang U.S. aid agency.