Mga mahihirap, libre na ang pagpapa-ospital at gamot umpisa sa 2017 – DOH

By Isa Avendaño-Umali December 18, 2016 - 02:35 PM

 

Philhealth hospitalInanunsyo ng Department of Health o DOH na sa pagsisimula ng 2017, libre na ang pagpapa-ospital at mga gamot para sa mga mahihirap, walang trabaho at senior citizens.

Ayon kay Healh Secretary Pauline Rosell-Ubial, tumaas na ang pondo para sa serbisyong-medikal upang masakop ang hospital needs ng mga mahihirap na Pilipino.

Sinabi ni Ubial na basta Pilipino ay sakop na ng Philhealth, at ang kailangan lamang ay makumpirma na mahirap ito para mapasok sa sponsored program ng ahensya.

Sa ilalim naman ng Medicines Access Program, bibili ang DOH ng mga gamot na pangkariwang kailangan ng mga tao at ang mga ito ay ibibigay sa mga ospistal para sa pamamahagi.

Ani Ubial, ang subsidiya para sa mga naturang serbisyo ay magmumula sa karagdagang-pondo na ni-request ng DOH sa Kongreso.

Huwag naman mag-alala ang mga mahihirap na non-Philhealth members dahil mayroong 5 billion pesos na laan para rito, base kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, tiniyak ni Ubial na hindi makakaapekto sa program ang pag-atras ng foreign assitance mula sa isang U.S. aid agency.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.