Duterte, nais na mahinto muna ang mga bakbakan para sa isang ‘peaceful Christmas’
Nakiusap si Pangulong Rodrido Duterte sa lahat, partikular sa mga rebelde at Abu Sayyaf Group na magbakasyon muna mula sa pakikipag-sagupaan upang magkaroon ng mapayapang Pasko at Bagong Taon ang bansa.
Inihayag ito ng presidente sa kanyang pagbisita sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City kahapon (araw ng Sabado).
Ayon kay Duterte, kanyang binabati ang lahat ng mga Pilipino, mga komunista at kahit Abu Sayyaf ng Maligayang Pasko at Bagong Taon.
Pero hiling nito na upang magtamasa ang ‘peaceful Christmas,’ na okasyong malapit sa puso ng mga tao, ay ipagpaliban muna ang mga bakbakan.
Dumalaw at nagbigay ng tulong-pinansyal si Duterte sa labing anim na sundalo sa Camp Navarro General Hospital.
Ang mga naturang sundalo ay nasugatan sa nakalipas na engkwentro sa pagitan ng ASG at tropa ng gobyerno sa Basilan at Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.