Ayon kay Papua police spokesperson Senior Commissioner Mustopa Ahmad Kamal, bumagsak ang aircraft nang tumama ito sa Mount Pugima ng Kampung Minomo sa distrito ng Maima sa Jayawijaya, Papua.
Dagdag pa nito, kumpirmadong nasawi ang buong crew ng naturang aircraft kung saan tatlo dito ay piloto, walong technician, isang navigator at isang opisyal ng militar.
Ayon sa air force, narekober sa district Maima ang debris ng aircraft at bangkay ng mga namatay na pasahero.
Sa isang press conference sa Jakarta, nagparating ng pakikiramay si Deputy Chief of Staff ng Air Force na si Marshal Hadiyan Sumintaatmadja sa mga naiwang pamilya ng Air Force members.
Humingi rin si Sumintaatmadja ng paumanhin sa mga mamamayan ng Indonesia bunsod ng hindi inaasahang trahedya.