13 patay sa pagbagsak ng isang Indonesian air force plane

By Angellic Jordan December 18, 2016 - 01:39 PM

papua-plane-crashPatay ang labing tatlong pasaherong sakay ng bumagsak na Hercules C-130 aircraft na pag-aari ng Indonesian Air Force kaninang umaga.

Ayon kay Papua police spokesperson Senior Commissioner Mustopa Ahmad Kamal, bumagsak ang aircraft nang tumama ito sa Mount Pugima ng Kampung Minomo sa distrito ng Maima sa Jayawijaya, Papua.

Dagdag pa nito, kumpirmadong nasawi ang buong crew ng naturang aircraft kung saan tatlo dito ay piloto, walong technician, isang navigator at isang opisyal ng militar.

Ayon sa air force, narekober sa district Maima ang debris ng aircraft at bangkay ng mga namatay na pasahero.

Sa isang press conference sa Jakarta, nagparating ng pakikiramay si Deputy Chief of Staff ng Air Force na si Marshal Hadiyan Sumintaatmadja sa mga naiwang pamilya ng Air Force members.

Humingi rin si Sumintaatmadja ng paumanhin sa mga mamamayan ng Indonesia bunsod ng hindi inaasahang trahedya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.