Engaged na ang Kapamilya actress na si Anne Curtis sa kanyang long-time boyfriend na si Erwan Heussaff.
Sa video na ipinost ni Curtis sa Facebook at may caption na “New York City Marathon and Connecticut. (Most memorable trip of my life),” mapapanuod ang pagbabalik-tanaw sa mga biyahe nila ni Heussaff.
At sa bandang huli ng video, mapapanuod na napaiyak si Curtis nang lumuhod si Heussaff, may isinuot sa singsing mula sa isang kahon, hanggang sa sinabi ng TV/movie actress na “Yes!”
Mayroon ding magkahiwalay na post ang couple sa Instagram, na umaani ng congratulatory messages.
Hindi mawala-wala ang mga tanong kung kailan namang magse-settle-down si Curtis at Heussaff dahil nauna nang ikinasal ang mga kabarkada nila na sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson at Isabelle Daza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.