Ginawa ng DepEd ang pagklaro matapos ilathala ng isang pahayagan na ipatutupad na ng dalawang ahensya ang programa para sa junior at senior high schoolers sa 2017.
Ito’y sa layuning puksain daw ang paglaganap ng human immunodeficiency virus o HIV at Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS sa hanay ng mga kabataan.
Pero iginiit ni DepEd Secretary Leoner Briones na bagaman maaaring matugunan ng condom distribution ang pagkalat ng mga sexually-transmitted diseases at pagtaas ng bilang ng pagbubutis ng maaga ng mga kabataan ay kailangan muna nilang pag-usapan ang implikasyon nito sa women sensitivity, religion and culture.