DepEd, nilinaw na wala pang go-signal ang pamamahagi ng condoms sa mga eskwelahan

By Ricky Brozas December 18, 2016 - 10:45 AM

 
deped logoNilinaw ng Department of Education o DepEd na hindi pa nila pinapayagan ang Department of Health o DOH sa planong mamahagi ng condom sa mga eskuwelahan sa susunod na taon.

Ginawa ng DepEd ang pagklaro matapos ilathala ng isang pahayagan na ipatutupad na ng dalawang ahensya ang programa para sa junior at senior high schoolers sa 2017.

Ito’y sa layuning puksain daw ang paglaganap ng human immunodeficiency virus o HIV at Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS sa hanay ng mga kabataan.

Pero iginiit ni DepEd Secretary Leoner Briones na bagaman maaaring matugunan ng condom distribution ang pagkalat ng mga sexually-transmitted diseases at pagtaas ng bilang ng pagbubutis ng maaga ng mga kabataan ay kailangan muna nilang pag-usapan ang implikasyon  nito sa women sensitivity, religion and culture.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.