LTFRB, hinimok ang netizens na i-report ang mga pasaway, maging mabubuting taxi drivers
Hinimok ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang netizens na tumulong sa “Oplan Isnabero” laban sa mga pasaway na taxi drivers.
Ayon sa LTFRB, maaaring magbahagi ang netizens ng kani-kanilang mga storya at litrato hinggil sa taxi drivers.
Pero nilinaw ng ahensya na maliban sa mga salbaheng taxi drivers, mas mabuti ring ikwento ng netizens ang mga drayber na mabubuti at magbibigay ng magandang serbisyo.
Sinabi ng LTFRB na kapag magpo-post sa Facebook o Twitter, maaaring gamitin ang hashtag na #OplanIsnabero.
Ang mga pasahero ay uubra ring maghain ng mga reklamo sa LTFRB 24/7 hotline na 1342 o 0917-550-1342 at 0998-550-1342.
Ang naturang kampanya ay ipinapatupad sa buong bansa, sa pakikipagtulungan sa mga mall operator laban sa mga taxi driver na pumipili lamang ng isasakay; maging sa mga hindi nagbibigay ng tamang sukli; walang identification card; hindi tumatalima sa safety rules habang nagmamaneho; hindi nagre-reach-out sa mga PWDs, mga buntis at senior citizens; at mali ang paggamit ng taxi meters.
Kabuuang 31 LTFRB enforcers ang nakadeploy habang umiiral ang kampanyang Oplan Isnabero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.