Panibagong oil price hike, ipatutupad ng mga kumpanya ng langis
By Isa Avendaño-Umali December 18, 2016 - 10:17 AM
Panibagong dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang nakaamba sa mga darating na araw.
Batay sa oil industry, nasa 60 hanggang 70 centavos ang price hike sa kada litro ng diesel.
30 hanggang 50 centavos naman ang pagtaas sa bawat litro ng gasolina, habang 60 hanggang 70 centavos sa bawat litro ng kerosene.
Kamakailan lamang, nagpatupad na ang mga kumpanya ng langis ng bigtime price increase sa mga nabanggit na produktong petrolyo.
Ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel ay pumalo sa P1.40.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.