Duterte: “Bye bye America”, sa posibleng pagbasura ng VFA

By Angellic Jordan December 18, 2016 - 10:15 AM

duterte-1213 (1)Bilang ang araw ng Visiting Forces Agreement dahil sa “basurang” pagtrato ng Amerika sa Pilipinas at suspensyon ng $433 milyong tulong-pinansyal mula sa Millennium Challenge Corp. (MCC) ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naantala ito dahil sa usapin tungkol sa “rule of law” at “civil liberties” sa ilalim ng administrasyon Duterte.

Ayon sa pangulo, naiintindihan nito ang nangyari at welcome siya para dito.

Wala aniyang problema sa pagbitin na ito dahil hindi aniya kailangan ng Pilipinas ang pera ng US.

Dahil dito, sinabi ni Duterte na dapat ring bigyang-pansin ng Amerika ang naging desisyon nito.

Patutsada pa ng pangulo sa pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Zamboanga City, “bye bye America” at maghanda sa pag-alis sa bansa.

Para sa mga Amerikanong hukbo, ipinarating ng Punong Ehekutibo na dapat umalis ang mga ito sa loob ng Camp Armed Forces Western Mindanao Command (Westmincom) sa Zamboanga.

Pagtatanggol pa ng pangulo, “10 times better” ang mga Pilipinong sundalo kumpara sa mga Amerikano.

Samantala, nauna nang sinabi ng Amerika na nababahala sila sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.